Ang ganda ng mukha mo'y
Naaalala ko.
Ginintuang kapalaran;
Hahaliling kabataan.
Una kong gagawin pag-bell,
Liliko sa kanan
Imbis na kaliwa;
Nami-miss kita eh.
Galaw mo'y nakabibighani;
Entablado mo'y buong mundo.
Lilitaw bigla ang iyong ngiti't
Bibitaw ako sa katinuan.
Intindihin mo sana.
Mapipigilan ko ba?
Bihira lang may humawak sa kamay ko
O, pagbibigyan mo ba ako?
No comments:
Post a Comment